384 - Sa Paglapit Ko Kay Jesus

Sa paglapit ko kay Jesus, ay aking napakinggan
Ang salita N'yang mairog, puspos ng pagmamahal;
Sa tuwing ako'y dudulog, ay nabubulay-bulay
Ang pag-ibig Niyang puspos na sa akin ay alay.

Sa paglapit ko kay Jesus, akong inilalagak
Ang kasalanan ko't lungkot, at pinapawing lahat;
Sa mga yapak ni Jesus, tuwing ako'y tumawag
Puso ko ay binubusog ng kaaliwa't galak.

Pagpalain ako, Jesus, akong nananawagan,
Ang mukha Mong maalindog sa akin ay itunghay;
Sa ami'y ipagkaloob ang Iyong kabanalan.
Mahayag nawa nang lubos na kasama ko Ikaw.

0:00 0:00